HomeJPY / RUB • Currency
add
JPY / RUB
Nakaraang pagsara
0.64
Mga balita tungkol sa merkado
Tungkol sa Yen ng Hapon
Ang Yen ay ang opisyal na pananalapi ng Japan. Ito ang itinuturing na pangatlo sa listahan ng pinakaginagamit na salapi sa pandaigdigang pamilihan. Sumunod lamang sa Dolyar at Euro. WikipediaTungkol sa Rublong Ruso
Ang rublo ng Rusya ay ang pananalapi ng Pederasyon Rusya, ang dalawang bahagiang kinikilalang republika ng Abkhazia at Timog Ossetia at ang dalawang hindi kinikilalang Republikang Bayan ng Donetsk at Luhansk. Nahahati ang rublo sa 100 kopek.
Naging pananalapi ng Imperyong Ruso at Unyong Sobyet ang rublo. Bagaman, sa ngayon, tanging Rusya, Belarus at Transnistria lamang ang gumagamit ng pananalapi ng may parehong pangalan. Ang rublo ay ang unang pananalapi sa Europa na naging desimalisado, noong 1704, nang naging katumbas sa 100 kopek ang rublo.
Noong Setyembre 1993, napalitan ang rublo ng Sobyet ng rublo ng Rusya sa palitang 1 SUR = 1 RUR. Noong 1998, bago ang krisis pananalapi, naredominado ang rublo ng Rusya na may bagong kodigo na "RUB" at may palitang 1,000 RUR = 1 RUB. Wikipedia