Home

Mga Tip

Mga tip at shortcut para sa mas mahusay na pagba-browse

Mula sa mga grupo ng tab, hanggang sa pagkatuto ng mga keyboard shortcut na nakakatipid sa oras, makakatulong sa iyo ang mga tip na ito sa Chrome para matapos nang mas mabilis ang mga bagay gamit ang browser mo.

Isaayos ang iyong mga tab gamit ang mga grupo ng tab sa Chrome

I-expand lahat I-collapse lahat

Gumawa ng iyong grupo ng tab

Puwede kang maggrupo ng mga tab para mapanatiling magkakasama sa iisang workspace ang mga magkakaugnay na page. Para gumawa ng grupo ng tab, mag-right click lang sa anumang tab at piliin ang Idagdag ang tab sa bagong grupo.

  1. Mag-right click sa isang tab.
  2. I-click ang Magdagdag ng Tab sa bagong grupo.
  3. I-click ang Bagong Grupo o i-click ang pangalan ng kasalukuyang grupo ng tab.
Window ng Chrome browser na may dialog box na nagpapakita ng paggawa ng bagong grupo ng tab.

I-customize ang Chrome gamit ang mga tip na ito

I-expand lahat I-collapse lahat

Gumawa ng mga shortcut sa Chrome papunta sa iyong mga paboritong site

Makakatulong sa iyo ang mga shortcut na makatipid ng mahalagang oras. Pumunta lang sa dialog na ‘Mga Shortcut’ sa menu na I-customize.

  1. Magbukas ng bagong tab.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang I-customize.
  3. I-click ang Mga Shortcut.
Window ng mga setting ng Chrome browser na nagpapakita ng dialog ng Mga Shortcut.

Mga kapaki-pakinabang na tip para masulit ang Chrome

I-expand lahat I-collapse lahat

Maglagay ng impormasyon sa at mag-save ng mga PDF nang hindi nawawala ang iyong mga na-edit

Punan ang isang PDF form sa Chrome, at huwag mag-alalang mawala ang impormasyong inilagay mo. I-save ito kasama ang iyong mga input at kapag binuksan mo ulit ang file, maipagpapatuloy mo kung saan ka tumigil.

  1. Punan ang PDF sa iyong browser.
  2. I-click ang I-download .
  3. Piliin ang “Orihinal” o “Na-edit” na bersyon.
Window ng Chrome browser na may nakabukas na PDF na dokumento, na naka-zoom in sa menu ng mga opsyon ng pag-download at pag-print.

Gumamit ng mga keyboard shortcut ng Chrome para makatipid ng oras

I-expand lahat I-collapse lahat

Buksan ulit ang iyong huling isinarang tab

Kung minsan, huli na nang bigla mong naiisip na hindi mo dapat isinara ang tab na iyon. Kaya nagbibigay sa iyo ang Chrome ng kakayahang ibalik ito sa pamamagitan ng ilang simpleng pagpindot sa key.

  • Windows, ChromeOS & Linux: Ctrl + Shift + T
  • Mac: Command + Shift + T

Mga extension

Magdagdag pa ng functionality sa mga extension para sa Chrome.