Dating sarado, ngayon ay bukas na - kung paano binuksan ng Street View ang isang Budismong kaharian sa mundo.

Matatagpuan sa gitna ng Himalayas, dati nang maraming daanan sa bundok, mayayabong na lambak, at banayad na ilog ang maiaalok ng Bhutan. Kaya naman nakipagtulungan ang gobyerno sa Street View sa labindalawang buwang inisyatibo para ipakita ang mga nakatagong kayamanang ito, habang pinapalakas ang turismo at socio-economic na pag-unlad.

Pagkatapos ng ilang balakid sa pag-apruba at clearance para sa pagkuha ng video, nagawang ilunsad ng Tourism Council ng Bhutan, sa pakikipagtulungan ng technical support mula sa Google Singapore, ang proyektong ito noong Mayo 2020. Sinuportahan sila ng Street View sa pamamagitan ng dalawang Ricoh Theta V, isang Insta360 Pro, mga personal na pagsasanay, at regular na session sa pag-troubleshoot para makapagtuloy sila.

2625.86 km

ang kinunan ng larawan

2,398,285

ang mga na-publish na larawan

7.4 M

pagtingin

Digital na pagmamapa sa kagandahan ng Bhutan

Bago ang inisyatibo ng Street View, walang teknikal na kasanayan o kagamitan ang Bhutan para kumonekta sa mga potensyal na bisita, kaya hamon sa mga turista na magplano ng mga biyahe. Ngayon, puwede nang virtual na matuklasan ng sinuman - mula sa mga buddhist na pilgrim hanggang sa mga potensyal na bisita - ang mga monasteryong tanggulan ng Thimpu at mga dalisay na nayon ng Punakha.

Bagama't isa itong milestone sa plano ng gobyerno na makipag-ugnayan sa mundo, isa rin itong pag-usad sa digital journey ng Bhutan para maging lipunang pinapagana ng ICT.

Mas dinaraanang kalsada ng Bhutan

Dahil sa smart navigation ng Street View, nabuksan sa mga turista ang mga sikat na lugar sa buong mundo, at nabigyan ang mga biyahero ng kalayaang pumili at kumilos. Ang access sa real time na 360 footage at mga virtual na tour ng mga kundisyon ng lupa ay nakatulong sa mga bisita na magtakda ng kanilang mga inaasahan sa paglalakbay, at mag-explore nang naaayon.

 

Ang bersyon ng Bhutan ng Google Street View ay nakatulong sa bansa pati na rin sa mga indibidwal sa buong mundo. Puwede itong gamitin ng mga surveyor ng lupa, negosyo, ahensya ng gobyerno, pang-edukasyong institusyon, at iba pa para mapahusay ang kanilang mga serbisyo.

-

Dorji Dhradhul, Director General Tourism Council of Bhutan

 

Ngayong may 500 bagong negosyo nang naidagdag sa Street View at 4,000 update na ginawa sa mga mapa ng Bhutan, umaani na rin ng mga benepisyo ang mga residente, lahat mula sa mga real-time na update sa trapiko at mga mungkahi sa ruta hanggang sa higit pang pagkakalantad para sa mga lokal na negosyo.

Mga tagamapa ng Google Street View na nagse-set up ng camera sa kotse sa Bhutan

Mas magagandang street view

Bukod pa sa pakikipag-ugnayan sa mundo, napatunayang sobrang kapaki-pakinabang ang inisyatibo ng Street View ng gobyerno sa pagpaplano ng mga proyekto para sa pag-unlad. Ang pagkuha ng video ng terrain na ilang siglo nang nakatago ay ang pasimula ng diskarte ng Bhutan sa pagpapanatili ng heritage. Sa pamamagitan ng data ng Street View, puwede silang kumuha ng stock ng mga kundisyon ng kalsada at pagandahin ang mga iyon kung kinakailangan.

Parami nang paraming explorer ang nakakatuklas sa Bhutan. Pero dahil dalawampung bayan pa lang ang nasasaklaw, teritoryong 38,394 km², at may mga plano para regular na i-update ang mga mapa ng mga bagong pagpapaunlad ng imprastraktura, nagsisimula pa lang ang inisyatibong ito ng Street View.

Kinokonekta ng Street View ang maliliit na mundo sa malalaking paraan. Sa pagsisiwalat nito ng mga nakatagong kayaman sa pamamagitan ng immersive na koleksyon ng larawan, puwedeng nitong baguhin ang trajectory ng isang bansa at gumanap ng mahalagang papel sa pag-unlad nito.

Magbahagi ng sarili mong koleksyon ng larawan sa Street View